Magtatalaga ng bagong public affairs office chief at tagapagsalita ang bagong luklok na AFP chief of staff general Hernando Iriberri.
Base sa ulat, nais ni Iriberri gawing tagapagsalita niya si Philippine Air Force Colonel Restituto Padilla habang si Lieutenant Colonel Noel Detoyato ang magiging kaniyang public affairs office chief.
Papalitan ni Detoyato at ni Padilla sina Brig. Gen. Joselito Kakilala at Lt. Col. Harold Cabunoc na sinasabing nakatakdang mag-schooling kaya’t minabuti nitong magretiro na.
Samantala inaasahan naman sa miyerkules ang pagluklok ni Detoyato bilang chief ng AFP public affairs office.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)