Adjustment sa operating hours at no weekday sale, suportado ng mall operators

by Radyo La Verdad | October 27, 2023 (Friday) | 816

METRO MANILA – Sang-ayon ang mga mall operator sa Metro Manila sa ipatutupad na adjustment sa kanilang operating hours at no weekday sale.

Pinulong kahapon (October 27) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ito upang marinig ang kanilang saloobin sa plano na naglalayong ibsan ang inaasahang mabigat na trapiko ngayong holiday season.

Ipatutupad ang adjustment sa mall operating hours sa darating na November 13 na tatagal hanggang sa January 8, 2024.

Sa ilalim nito magiging 11am to 11pm na ang operasyon ng mga mall sa Metro Manila at tuwing weekend lamang papayagan ang pagdaraos ng sale.

Tags: ,