Pinuri ng ilang opisyal sa Bicol Region ang adbokasiyang pinasimulan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na ‘Tulong Muna Bago Balita.’
Sa News and Rescue General Assembly sa Naga City noong Huwebes, ipinakilala sa ilang government agencies ang mahigit sa anim napung bagong miyembro ng UNTV News and Rescue Team mula sa limang probinsya sa Bicol.
Ang mas pinalakas na UNTV Rescue Team ay makakatuwang ng mga otoridad sa pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring dumating sa bansa.
Ikinatuwa rin nila ang konseptong ito na may layuning makatulong at maging bahagi ng solusyon sa kinakaharap na problema.
Nangako rin sila ng suporta sa adbokasiya ng UNTV at tulong sa pagsasagawa ng mas malawak na rescue training.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: Adbokasiya ni Kuya Daniel Razon, Tulong Muna Bago Balita