Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na tinanggal na niya sa pwesto si acting Immigration Intelligence Chief Retired Police General Charles Calima.
Kabilang si Calima sa sinampahan kahapon ng reklamong Corruption of Public Officials at wiretapping kaugnay ng umano’y tangkang panunuhol kina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Sinasabing napunta kay Calima ang 18-million pesos na bahagi ng bribe money galing kay Jack Lam para mapalaya ang mga Chinese illegal workers na inaresto ng mga otoridad sa kanyang fontana leisure park and casino sa Clark, Pampanga.
Inirekomenda na rin ni Secretary Aguirre kay Pangulong Duterte na tanggalin sa pwesto sina Argosino at Robles dahil sa pagkakadawit ng mga ito sa iskandalo.
Tags: Acting immigration Intel Chief Retired Gen. Charles Calima, tinanggal na pwesto