ACT, inilapit sa NPC ang umano’y ‘profiling’ memo ng DEPED

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 4454

Inilapit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa National Privacy Commission ang memorandum order ng Department of Education (DEPED) na anila’y nangangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay ACT secretary-general Raymond Basilio, inilapit nila sa NPC ang posibleng mga paglabag ng naturang memo sa privacy ng kanilang mga miyembro.

Nauna nang sinabi ng DEPED na layon lamang nila sa naturang memo na gawing centralize at i-update ang sistema ng APDS.

Tags: , ,