METRO MANILA, Philippines – Inisyuhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local government (DILG) ang 99 na Barangay Chairman ng Maynila. Ayon sa DILG hindi napanatili ng mga opisyal ang ka-ayusan sa kanilang lugar matapos ang 60 days clearing operations
Bibigyan ng 5 araw ang mga ito na magpaliwanag. Paliwanag ng kagawaran posibleng masuspinde ang naturang mga opisyal kapag napatunayan na may naging kapabayaan ang mga ito.
“Definitely maraming masasampulan most especialy here in metro manila not only in manila all over metro manila. Now it depends doon sa mga reklamo.” ani DILG Undersecretary Martin Diño.
May hawak na mga picture at dokumento ang DILG bilang patunay na may mga Barangay sa Maynila na hinayaang bumalik sa side walk ang mga vendor at pinabayaan rin ang illegal parking.
Batay pa sa ulat ng DILG, nasa 101 nang mga Alkalde sa bansa ang napadalhan nila ng show cause order kaugnay sa kabiguan ng mga ito na linisin ang mga lansangan sa kanilang lugar. Ang kalihim ng DILG ang maghahain na kaso sa ombudsman laban sa mga opisyal na hindi tumugon sa itinakdang 60 day clearing operations.
Samantala hinikayat naman ng DILG ang publiko na ipadala sa kanilang mga tanggapan ang litrato at detalye ng mga lugar sa kanilang komunidad na marami pa ring obstruction upang mabigyang aksyon.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Clearing operations, DILG