9 Patay sa pagbagsak ng Private Plane sa isang resort sa Laguna

by Erika Endraca | September 2, 2019 (Monday) | 23756

LAGUNA, Philippines – Nasawi ang 9 na sakay ng King Air 350 isang medical evacuation plane na may body number RPC-2296, matapos bumagsak sa isang hotspring resort sa Miramonte Village Barangay Pansol Calamba Laguna nitong Linggo (September 1).

Galing Dipolog City sa Zamboanga Del Norte ang eroplano na maghahatid sana ng pasyente sa Metro Manila. Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano na iniimbestigahan pa Ng Civil Aviation Authority of the Philippines  (CAAP).

“This is purely technical investigation ang papasok dito yung caap but initially what we found out yung eroplano umalis ng dipolog airport around 1:40pm dun nga nagkaproblema na bandang alas tres dito na bumagsak sa area naten” ani Calamba City Laguna Chief Of Police PLTCOL. Jacinto Malinao.

Kabilang sa 9 a pasahero nito na nasawi sina Captain Jesus Hernandez ang piloto ng eroplano , ang co pilot nito na si First Officer Lino Cruz Jr., Dr Garret Garcia , ang mga nurse na sina Kirk Eoin Badiola at Bulacja Yamato Togawa , Ryx Gil Laput , Raymond Bulacja, ang pasyente na isang new zealander na si Tom Carr at asawa nitong si Emma Carr.

Samantala naisugod naman sa JP hospital ang mag ina na caretaker ng Agohon Resort na sina Malou at Janray Roca matapos magtamo ng second to third degree burns.

Narecover din ang isang pakpak ng King Air 350 sa ibang resort sa lugar at nakita na rin ang black box  nito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano.

(Sherwin Culubong | UNTV News)

Tags: ,