84 na pulis sa Tanauan, Batangas at 82 pulis sa Binangonan, Rizal, pinagpalit

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 5044


Ipinag-utos kahapon ng regional director ng CALABARZON Police na si Police Chief Superintendent Ma.O Aplasca na alisin ang 84 na tauhan nito sa Tanauan Police Station at ilipat sa Binangonan, Rizal.

82 pulis naman sa Binangonan ang sorpresang dinala rin sa Tanauan,Batangas kahapon.

Ayon kay region 4A PIO Chief Police Supt. Chitadel Gaoiran bunsod umano ito ng patuloy nilang natatanggap na mga sumbong sa dalawang lugar kung saan talamak pa rin ang iligal na droga.

Ayon pa kay Gaoiran seryoso ang pnp sa Region 4A na malinis ang kanilang hanay bilang tugon sa mandato sa kanila ng pangulo at ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Kilala ang Tanauan City sa Batangas sa walk of shame campaign kung saan ipinaparada na may suot na karatula ang mga nahuhuli nilang drug personalities upang huwag umanong tularan.

Ngunit ayon sa opisyal hindi parin nawala sa lugar ang mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa kabila nang walk of shame campaign ng lokal na pamahalaan.

(Sherwin Culubong)

Tags: , , , ,