82% ng mga residente sa NCR, nagsabing mas ligtas sila dahil sa war on drugs – Pulse Asia Survey

by Radyo La Verdad | March 27, 2017 (Monday) | 6002


Mula nang ipatupad ang war against illegal drugs ng Philippine National Police noong Hulyo nang nakaraang taon, walumput dalawang porsiyento sa mga naninirahan sa Metro Manila ang nagsabing mas ligtas ang pakiramdam nila ngayon kumpara noong 2015.

Ayon sa National Capital Region Police Office, ito ay batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong December 6 hanggang 11 noong nakaraang taon.

Ikinatuwa naman ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde ang malaking pagtitiwala ng publiko sa pulisya.

Magugunitang bago matapos ang Enero ay sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug operations ng PNP matapos masangkot ang ilang tiwaling pulis sa pagdukot at pagpatay sa isang Korean businessman.

Nitong buwan nang marso naman ng muling ibalik ang operasyon ng pnp kontra iligal na droga dahil sa muling pagtaas ng illegal drug trade sa mga lansangan.

Kasunod nito, tiniyak rin ng hepe ng NCRPO na patuloy nilang pag-iibayuhin ang trabaho upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

(Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,