Panibagong kaso ng kidnaping at murder ang isinampa sa walong Maute members na suspek sa Roxas blast sa Davao City noong nakaraang taon.
Ang mga naunang kaso na isinampa sa kanila ay multiple murder, multiple attempted murder at terorismo.
Samantala, hinihintay na ng BJMP – Davao City ang sagot ng Korte Suprema sa hiling nito na ilipat sa Maynila ang kustodiya at paglilitis sa walong Maute members.
Tags: Davao City, Maute Group, Roxas blast