8 biktima sa pagsabog sa GenSan City noong linggo kabilang ang isang bata, ligtas na

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 7742

Ligtas na sa peligro ang walong sugatang biktima kabilang ang isang bata sa pagsabog ng isang improvised explosive device noong linggo ng tanghali sa Bonita Lying-in, Purok Malipayon, National Higway, Barangay Apopong, General Santos City.

Ito’y matapos na personal na bisitahin ni PRO-12 Director PCSupt. Eliseo Rasco ang mga biktima sa ospital kahapon.

Itinatag na rin ng PRO-12 ang Special Investigation Task Group (SITG) “Bonita” para tukuyin ang mga nasa likod ng pagpapasabog.

Sinabi naman ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde na posibleng BIFF ang responsable sa pambobomba sa GenSan.

Marami din aniyang paksyon ang BIFF, na nagpapasikat para makuha ang atensyon ng international terrorist organizations, at mabigyan sila ng pondo.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,