Nagdeklara kaninang alas singko ng madaling araw si Governor Aurelio Umali ng suspension ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa nararanasang tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa bagyong Nona.
Bagamat walang ibinabang storm warning signal ang pagasa sa naturang lalawigan, pasado alas otso y medya pa lamang ng umaga ay lubog na sa tubig baha ang walong barangay sa Cabanatuan city.
Kabilang na dito ang Barangay Imelda, Caridad, Magsaysay, Aduas Sur, Valle Cruz, Mabini Extension, Villa Luz at Sta.Arcadia.
Hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang calabasa national hiway sa bayan ng Gabaldon matapos ang landslide sa lugar.
Maging ang kalsada sa kahabaan ng Barangay Tagpos sa bayan ng Sta.Rosa ay hindi rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan matapos malubog sa hanggang baywang na tubig baha.
Patuloy naman ang pag apaw ng tubig sa ilog sa Barangay Cojuangco Sta.Rosa.
Sa ngayon, inihanda na ng otoridad ang mga rescue equipment sakaling kailanganin.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: 8 barangay, Cabanatuan City, lubog, Nueva Ecija, tubig baha
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com