METRO MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng mga kongresista ang Department Order 2017-009 ng Department of Transportation na layong i-phase out o huwag nang payagang bumiyahe ang mga truck na may 15 taon pataas.
Sa kasagsagan ng pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, walang naipakitang komprehensibong pag-aaral ang mga ahensyang nagpapatupad nito.
“(Were) there studies made prior to issuance of this department order? Studies that reflect that after 15 years, certain vehicles in the country (have) resulted to accidents (due to) breakdowns of trucks?,” pag-uusisa ni Rep. Anthony Bravo ng COOP-NATCO Partylist.
Tugon ni LTFRB Boad Member Ronaldo Corpuz, “on my personal knowledge po, wala po. Hindi ko po alam sa DOTR. Ang alam ko po, nag-trigger nito yung mga dumaraming aksidete ng units.”
“You just compared ito to the bus then issued a department order… I cannot see the logic Mr. Chairman,” ani Rep. Anthony Bravo.
Pero paliwanag ni Corpuz, kapag tumagal na ng 15 taon ang isang sasakyan, rumurupok na ang metal nito at malaki ang tiyansa na maging sanhi ito ng aksidente.
Aniya ang department order na ito ay ibinase sa naunang inilabas ng DOTR hinggil sa pag-phase out sa mga bus na may edad 15 taon pataas mataapos ang sunod-sunod na aksidente sa bus kamakailan.
Ngunit hindi kumbinsido sa paliwanag na ito ang mga kongresista at ang grupo ng mga trucker. Ayon sa kumite, dapat pagtuunan ng pansin ang pagbili ng mga bagong motor vehicle inspection service (MVIS) upang regular na mainspeksyon ang mga sasakyan bago payagang bumiyahe.
Ulat ni Grace Casin | UNTV News
Tags: deparment order 2017-009, Department of Transportation, DOTr, ltfb, MMDA, phase out, trucks