70 medical frontliners mula sa Central at Eastern Visayas, idineploy na sa NCR Plus

by Erika Endraca | April 8, 2021 (Thursday) | 170

Idineploy na kahapon (April 7) patungong Luzon ang 70 health workers mula sa Region 7 at 8 upang tugunan ang tumataas na bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa NCR Plus.

50 rito ang nanggaling sa Central Visayas at 20 naman sa Eastern Visayas na pawang mga empleyado ng Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

Nakatakdang maglingkod ang mga ito sa Metro Manila at mga karatig-probinsya tulad ng Laguna, Bulacan, Cavite at Batangas sa loob ng 3 buwan.

Makatatanggap ang bawat volunteer ng P5,000 cash incentive bukod sa financial package na P33,000, transportation at accommodation.

Samantala, hinikayat ni Office of the Presidential Adviser for the Visayas (OPAV) Undersecretary Anthony Gerard Gonzales ang iba pang mga registered nurse na tumugon sa panawagan ng pamahalaan kontra COVID-19.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,