7 patay matapos sumabog ang Mount Sinabung sa Western Indonesia

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 1091

Mount-Sinabung-radio
Patay ang 7 katao habang dalawang iba pa ang napaulat na kritikal matapos sumabog ang Mount Sinabung sa Sumatra island sa Western Indonesia.

Ayon kay National Disaster Mitigation Agency (BNPB) spokesman Sutopo Purwo Nugroho, siyam katao ang natamaan ng “hot clouds,” at anim umano dito ay nasawi habang tatlo naman ang kritikal matapos nagtamo ng pagkasunog ng balat.

Subalit ayon sa otoridad, binawian din ang buhay ang isa sa mga biktima na nasa kritikal na kalagayan.

Pawang mga magsasaka ang mga biktima na malapit sa Mount Sinabung na tinaguriang “red zone.”

Nabatid na ang nasabing bulkan na may taas na 2,460-metre (8,070 foot) ay ang siyang pinaka-aktibo sa bansa.

(UNTV RADIO)

Tags: ,