7 kasapi ng Communist Terrorist Group, sumuko sa mga tauhan ng Joint Task Force Central sa Sultan Kudarat

by Erika Endraca | October 20, 2021 (Wednesday) | 90

MANILA, Philippines – Sumuko ang 7 kasapi ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa Old Provincial Capitol sa Brgy Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat nitong linggo ng alas-10 ng umaga. Isinuko din ng mga tauhan ng CTG ang mga hawak nilang mga armas tanda ng pag-iwan ng kanilang armadong pakikibaka.

Ayon kay Lt. Col. Romel Valencia Commander of 7IB ang mga sumukong personalidad ay nagmula sa Platoon Myphone, East Daguma Front, Sub-regional Command-Daguma, Far South Mindanao Region. Isinuko din ng grupo ang kanilang mga kagamitan na two cal.30 M1 Garand rifles, one cal.30 M2 Carbine Rifle, one 12-gauge Shotgun, at one M79 Grenade Launcher.

Patuloy naming bumababa ang lakas at kakayahan ng CTG sa Central Mindanao dahil sa mga kasapi ng grupo na pinili na iwanan ang armadong pakikibaka at mag balik loob sa gobyerno.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: