7 delinquent taxpayers, inireklamo ng tax evasion ng BIR

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1023

RODERIC_HENARES
Pitong delinquent taxpayers sa Maynila at Makati ang inireklamo ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue dahil sa hindi pagbabayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.

Sinampahan ng BIR ng magkakahiwalay na reklamong tax evasion sina Cesar Bakunawa Lebite, Armanda Bonnier Purdura, at Ahmad Bulabon Sano at ang mga kumpanyang Core Manning and Cargo Handler Corporation, Stardent Commercial Company, Adformatix Incorporated at Lucid Tower Tourist Inn Apartelle Corporation.

Mahigit 221-million pesos na buwis ang nais ng BIR na masingil sa mga sinampahan ng reklamo.

Ayon sa BIR, naghain ng kanilang tax return ang mga inirereklamo indibidwal at korporasyon ngunit nabigo ang mga ito na magbayad ng kaukulang buwis.

(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)

Tags: , ,