66% ng mga Pilipino, kuntento sa ginawang hakbang ng mga tropa ng pamahalaan upang masugpo ang Maute

by Radyo La Verdad | November 15, 2017 (Wednesday) | 3056

Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang kuntento sa ginawang hakbang ng mga tropa ng pamahalaan upang masugpo ang Maute group na umukupa sa Marawi City.

Batay sa pinakabagong Social Weather Station Survey, 66% ng 1,200 respondents  na tinanong noong September 23-27 ang nagsasabing satisfied sila sa naging nasiyahan sa ikinilos ng gobyerno upang labanan ang ISIS-inspired group.

Samantala, 18% naman sa mga ito ang dissatisfied o hindi kuntento habang 16% ang undecided.

 

Tags: , ,