Childcare workers sa Australia, planong magsagawa ng protesta kaugnay ng hiling na dagdag-sweldo

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 6185

Napipintong magsagawa ng nationwide strike ang mga childcare teachers sa buong Australia upang hilingin ang dagdag na sweldo.

Anila, noong nakaraang buwan pa nila hinihiling sa pamahalaan ang umento sa sahod dahil nagtaas na anila ang rate ibang propesyon.

Sa kasalukuyan, nakatatanggap sila ng 21 Australian dollar kada oras kumpara sa 41 Australia dollars per hour na kita ibang propesyon.

Nananawagan din sa mga magulang ang mga magpoprotesta dahil anila ay para din iyon sa kanilang mga anak bilang tagapagturo at tagapag-ingat ng mga bata, ikalawa sa mga magulang.

Ang malawakang strike ay nakatakdang gawin sa March 27.

 

( Erly Briones / UNTV Correspondent )

Tags: , ,