Kusa namang sumuko sa mga pulis ang nasa anim napung aminadong nagtatanim ng marijuana sa Kibungan.
Mula ang mga ito sa Barangay Tacadang at Badeo na kabilang sa watchlist ng pulisya.
Kabilang sa mga sumuko si Mang Julian na tiniis ang dalawang oras na paglalakbay sa maputik at liblib na lugar dahil sa takot sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumirma ng affidavit si Mang Julian na nangangakong tutulong sa pagsugpo sa marijuana cultivators sa kanilang bayan.
Ngayong taon, nasa 74 million pesos na ang halaga ng marijuana na sinunog sa Tacadang habang 18 million naman sa 21 sites ng Barangay Badeo.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: 60 umano’y marijuana cultivators, Kibungan Police Station