NORTH COTABATO – Muling niyanig ng mas malakas na lindol ang Mindanao. May ilan nang naitalang nasawi mula sa ibat ibang lugar sa rehiyon matapos ang magnitude 6.6 na tumama sa Tulunan North Cotabato Kahapon (October 29).
Ang ilang residente at pasyente naman ng mga ospital sa Digos City, nanatili parin sa evacuation site kasunod ng malakas na pagyanig. Sa ngayon 6 na ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring lindol kabilang rito ang isang 15 taong gulang na Grade 9 student sa Magsaysay Davao Del Sur.
Ayon sa media information officer ng Magsaysay Town, Davao Del Sur, ang batang nakilalang si Jessie Riel Parba ay nasawi matapos mabagsakan ng debris sa kanilang paaralan sa Kasuga National High School.
Sa pahayag naman ng Philippine Army’s 4th Infantry Division may isa ring lalake ang nasawi sa Barangay General Paulino Santos sa Koronadal City, South Cotabato matapos mahulugan ng debris.
Marami ring mga establisimiyento at mga bahay ang tuluyan nang nasira dahil una nang niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang Cotabato noong October 16. Sa Digos City, Davao Del Sur ang ilang mga residente mas piniling manatili sa gym ng kanilang barangay sa takot na baka muling magkaroon ng mga aftershok.
(Janice Ingente | UNTV News)
Tags: earthquake, Mindanao