6 patay, 4 nawawala sa matinding pagbaha sa Southeast Texas

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 1676
Matinding pagbaha sa Southeast Texas(RUETERS)

Matinding pagbaha sa Southeast Texas(RUETERS)

Umabot na sa anim ang nasawi habang apat naman ang nawawala sa naranasang matinding pagbaha matapos manalasa ang malakas na thunderstorm sa Southeast Texas Region.

Apat sa mga nasawi ay mula sa Washington County habang ang dalawa naman ay mula sa Travis at Kendall County.

Bagama’t tumigil na ang malakas na ulan noong Biyernes maraming lugar parin ang lubog sa tubig baha.

Walang humpay ang pagrescue ng mga otoridad sa mga residente na stranded sa kanilang bahay at sasakyan.

Mahigit dalawang libong inmates sa dalawang kulungan na malapit sa Brazos river ang inilikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

Ayon sa mga meteorologist posibleng makakaranas pa ng mabigat na pagulan ang mga apektadong lugar ngayong linggo.

Tags: , , ,