6 na organisasyon, ginawaran ni Pangulong Aquino ng Philippine Quality Award

by Radyo La Verdad | September 22, 2015 (Tuesday) | 1276

nel_awarding
Anim na organisasyon mula sa ibat ibang sektor ang ginawaran ni Pangulong Benigno Aquino the Third ng Philippine Quality Award ngayong umaga sa isang awarding ceremony dito sa Malakanyang.

Ang mga ginawaran ng nationality quality award ay ang Department of Science and Technology -Region 2,Colegio de San Juan de Letran- Manila, Lyceum of the Philippines- Laguna, Rohm electronics Philippines, SMC Yamamura Fuso Molds Corporations at Microelectronics.

Ang Philippine Quality Award ay ibinibigay sa mga organisasyon na nagpakita ng kagalingan sa paghahatid ng serbisyo at produksyon sa bansa.

Ang P-Q-A ay iginagawad taun taon sa bisa na rin ng Republic act number 9013 na layong hikayatin ang ibat ibang kumpanya o mga organisasyon mula sa pampubliko o pribadong sektor na itaas ang kanilang kalidad ng serbisyo at produkto.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: ,