6 na empleyado ng Zamboanga City Government, nagpositibo sa isinagawang surprise drug test

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1045

DANTE_POSITIBO
Lumabas na ang resulta ng surprise drug test sa mga empleyado ng Zamboanga City Government na isinagawa noong nakaraang Huwebes.

Sa 234 na empleyadong sumalang sa drug test, anim sa mga ito ang nagpositibo.

Hindi muna inilabas ang pangalan ng mga empleyado dahil sasailalim pa ang mga ito sa confirmatory test ngunit kung magpopositibo pa rin ay sasampahan na sila ng kaso.

Sa mga susunod na araw ay magsasagawa pa ng random mandatory drug testing sa iba pang empleyado sa lungsod na umaabot sa mahigit dalawang libo.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,