58 patay, 14 nawawala sa pananalasa ng Bagyong Hagibis sa Japan

by Erika Endraca | October 15, 2019 (Tuesday) | 4963

Japan – Nag-iwan ng malaking pinsala ang Bagyong Hagibis sa bansang Japan. Ayon sa mga awtoridad, umabot na sa 58 na katao ang namatay, 14 ang nawawala at halos 200 ang mga sugatan.

Ayon naman sa mensahe na ipinadala sa UNTV ng Philippine Embassy sa Japan, wala pang naiulat na Pilipinong nasawi sa Bagyong Hagibis.

Araw ng Sabado (October 12)  ng maramdaman ng malaking bahagi ng Japan ang hagupit ng Bagyong Hagibis, maraming mga residential area ang binaha dahil sa pag-apaw ng mga ilog.

Samantala, nasa  160 mga pasyente ang kailangang ma evacuate sa ibang ospital, pagtutulung tulungan ng mga staff ng sategaya hospital, mga kaanak ng pasyente at maging ng Japan self defense force ang evacuation.

Ang Bagyong Hagibis ay pang 19 na bagyo na tumama sa Japan ngayong taon, nag land fall  ito sa Izu Peninsula noong Sabado (October 12) ng gabi. Itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Japan ang Hagibis sa nakalipas ng mahigit 60 taon.

(RL KAMIYA | UNTV NEWS)

Tags: ,