57,000 pabahay ng pamahalaan para sa PNP at AFP, hindi pa rin natitirhan

by Radyo La Verdad | September 10, 2018 (Monday) | 4044

Limampu’t pitong libong pabahay ng pamahalaan sa buong bansa ang hindi pa naipapamahagi ayon kay Sen. Joseph Ejercito Estrada.

Ito ay bahagi ng 60,000 units na proyekto ng National Housing Authority (NHA) para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ayon Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chairperson Senator Joseph Victor Ejercito, inirereklamo ng mga benipisyaryo na kadalasan ay malayo ang mga housing units sa kanilang destino.

Wala rin umanong regular na byahe o maayos na transportasyon, substandard ang mga materyales, at malayo sa paaralan at ospital.

Una nang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapagawa ng mga mas malalaking pabahay at malapit sa mga kampo para sa mga pulis at militar.

Kaya ayon sa Senador, binigyan na ng pahintulot ng Kongresso ang NHA na ipamahagi nalang ang nalalabi pang housing units sa mga willing takers at mga qulified applicants.

Noong weekend ay binisita ni Sen. Ejercito ang mga pabahay ng pamahalaan sa Iloilo City.

Gayundin ang housing project sa Brgy. Felisa Bacolod City na tinangkang okupahin ng grupong KADAMAY nitong Agosto 2018.

 

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,