5 sugatan sa axe attack sa Germany; suspek, nasa kustodiya na ng pulisya

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 3241

Axe attack sa Germany(REUTERS)

Lima ang sugatan sa axe attack sa Duesseldorf Central Train Station sa Germany kagabi.

Ayon sa mga otoridad, nasa kustodiya na ngayon ng German Police ang suspek habang iniimbestigahan kung may iba pang sangkot sa pag-atake.

Ayon sa pulisya, ang tatlumput anim na taong gulang na suspek ay napag-alaman na mayroong psychological problems.

Pinayuhan naman ng German Federal Police ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat.

Kasalukuyang naka-high alert ang Germany kasunod ng terror threat.

Tags: , , ,