5 Miyembro ng asero gang, patay sa buy-bust operation ng QCPD

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 1381

JOAN_PATAY
Limang suspek na umano’y nagbebenta ng iligal drugs ang napatay matapos na makipagbarilan sa Police Quezon City sa Sitio Kawayan, Brgy. San Agustin Novaliches Quezon City pasado alas siyete kaninang umaga.

Ayon sa pulisya, miyembro ng asero gang ang mga napatay na nagbebenta umano ng illegal drugs sa Caloocan at Quezon City.

Kinilala ang dalawa sa mga napatay sa buy bust operation na sina Narciso Agabe Acero at Jun Catampatan na dati ng boluntaryong sumuko sa isinagawang Oplan Tukhang ng PNP.

Ang isa sa mga supek na naaresto at kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Police Station 4.

Ayon sa mga nakasaksi, nagulat na lamang sila ng biglang dumating ang mga pulis sa kanilang lugar at makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng QCPD ang isa sa mga suspek at patuloy na inaalam kung may iba pang kasamahan ang nasabing grupo.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,