4th International Dialogue on human trafficking, idinaraos sa bansa

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 16978

Idinaraos ngayong araw ang ika-4 na Manila International Dialogue sa gitna ng selebrasyon ng International Day laban sa human trafficking.

Nagsama-sama ang mga embahada mula sa Maynila, international organization, non-governmental organization (NGO) at ilang mga ahensya ng pamahalaan para talakayin ang problema hinggil sa naturang krimen.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kung saan kabilang ang Department of Justice (DOJ).

Ang Pilipinas ay isa sa 19 na bansang signatory sa isang deklarasyon laban sa human trafficking taong 2015.

Kabilang sa mga isyung tinatalakay o tatalakayin sa dialogue ang kalagayan ng mga seafarers at mangingisda, domestic at tourist workers at online sexual exploitation sa mga kabataan.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,