49 indibidwal, sinampahan ng reklamo ng PDEA kaugnay ng shabu shipment na pinalusot sa BOC

by Radyo La Verdad | December 13, 2018 (Thursday) | 49307

49 na indibidwal ang sinampahan ng reklamo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng bilyong pisong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifters na nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP) at GMA Cavite.

Nahaharap ang mga ito sa mga kasong importation of illegal drugs, conspiracy at paglabag sa regulasyon ng Dangerous Drugs Board sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; obstruction of justice, dereliction of duty at graft.

Pangunahing respondent sa mga reklamo sina former Police Senior Supt. Eduardo Acierto, former PDEA Director Dir. Gen. for Administration Ismael Fajardo, former Customs Intelligence Agent Jimmy Guban, Police Inspector Lito Pirote at Joseph Dimayuga dahil sa umano’y sabwatan at pagpapabaya upang makalusot ang naturang shipment.

Ayon sa PDEA, isinama nila sa mga pinakakaushan si Guban kahit pa inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na isailalim ito sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Hindi naman kasama sa mga inireklamo si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ayon sa PDEA, hindi nakakita ng sapat na ebidensya ang kanilang legal team na direktang magdadawit dito.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,