459 na piraso ng straws, naipasok sa bibig ng isang lalaki sa India

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 2288

Napakaraming tao talaga ang nangangarap na sumikat sa pamamagitan ng kanilang mga talent at skills at upang maitala sa World Record Books.

Isang lalaki sa Odisha, India na kinilala sa pangalang Manoj Kumar Maharana, pinagkasya  niya ang 459 na piraso ng plastic straws sa kaniyang bunganga ng sabay-sabay.

Ayon sa 23 anyos na lalaki, simula pa noong malaman niya ang record tungkol sa pinakamaraming straw na nagkasya sa bibig na dating titulo ni Simon Elmore, pinangarap niya na ring mapasama sa world record.

Sampung segundo ang binilang na  nasa bunganga ni Maharana ang mga straw kaya na itala   itong bilang isang bagong world record.

Tags: , ,