44% ng mga Pinoy, hindi pabor sa BBL – Pulse Asia

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 3028

IMAGE__FEB102013__UNTV-News__PHOTOVILLE-International_Ritchie-Tongo_Benigno-Aquino-III_Sajahatra-Bangsamoro

Halos kalahati ng Pilipino ang hindi pabor na maipasa ang draft ng Bangsamoro Basic Law batay sa inilabas na survey ng Pulse Asia.

Ayon sa survey, 44 porsyento ng mga Pilipino ang hindi pabor sa pagsusulong ng BBL habang 21 percent naman ang pabor at 36 percent naman ng mga Pinoy ang wala pa ring desisyon sa usapin.

Ang Bangsamoro Basic Law ay ang panukalang batas na napagkasunduan ng government peace panel at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para magtatag ng Bangsamoro entity para tapusin na ang ilang dekadang giyera sa Mindanao.

Batay rin sa naturang survey, 9 sa bawat 10 Pilipino ang may kaalaman sa BBL samantalang mayorya naman ng mga respondent ang hindi kumbinsido sa naging paliwanag ni Pangulong Noynoy Aquino sa naging kinahinatnan ng Mamasapano operation.

Ang survey ay isinagawa ngayong buwan ng Marso na nilahukan ng may 1,200 respondent.

Tags: , , , ,