43 overseas Filipino workers mula sa Yemen ang nakauwi na ng bansa

by Radyo La Verdad | April 17, 2015 (Friday) | 1011

ofw_yemen

Dumating ang mga OFW lulan ng Philippine Airlines flight PR-655 kabilang na rin ang apat na menor de edad na pawang mga anak ng ilang OFW.

Ayon kay Department of Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, umabot na sa 386 na OFW ang napauwi na mula sa Yemen.

May nasa 270 Pilipino pa ang nasa nabanggit na bansa pero nakatakda na rin silang isailalim sa repatriation kapag naayos na ang kanilang mga travel document.