Umakyat na sa 41 ang nasawi habang dalawandaan at tatlumput siyam naman ang sugatan sa nangyaring pag-atake sa Istanbul Airport sa Turkey kahapon.
Pasado alas ng alas-tres ng madaling araw oras sa Pilipinas ng bulabugin ng pagsabog at mga putok ng baril ang Ataturk airport.
Ayon sa mga otoridad tatlong suicide bomber ang umatake, dalawa sa loob ng terminal habang ang isa naman ay nasa parking lot.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Turkey na walang pilipinong nadamay sa pag-atake.
Ayon sa embahada aabot sa 3,500 pilipino ang kasalukuyang naninirirahan ngayon sa Ataturk.
(UNTV RADIO)
Tags: Istanbul airport, Turkish airport