400kg ng cocaine, natuklasan sa isang abandonadong barko sa Mexico

by Radyo La Verdad | July 22, 2016 (Friday) | 1308
Photo Courtesy: Reuters

Photo Courtesy: Reuters

Nakakumpiska ng may 400 kilo ng cocaine ang Mexican Marines sa isang abandonadong barko sa Colima, Manzanillo Region sa Mexico.

Ayon sa ulat nakatago ang cocaine sa refrigerators ng barko na umano’y nagmula sa Colombia at dadalhin sana sa Guatemala.

Kilala ang Colima na balwarte ng Sinaloa drug cartel na pinamumunuan ni Joaquin “El Chapo” Guzman

(UNTV RADIO)

Tags: ,