400 barangay sa NCR, posibleng bahain — MMDA

by Radyo La Verdad | May 29, 2023 (Monday) | 10840

METRO MANILA – Mahigit 400 barangay sa Metro Manila ang posibleng bahain bunsod ng pinagsamang epekto ng bagyong Betty at hanging habagat.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga ito ang 124 na barangay sa Caloocan City, 110 sa Quezon City, 109 sa lungsod ng Maynila, 32 sa Valenzuela City, 14 sa Malabon City, 13 sa Navotas City at 1 sa Pasig cCty.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes kahit hindi mag-landfall sa NCR ang bagyong Betty, hahatak pa rin ito ng hanging habagat na posibleng magdulot ng mga pag-ulan at pagbaha.

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa Alert Level Bravo o moderate risk ang National Capital Region (NCR).

Nakaantabay na ang lahat ng rescue personnel at equipment ng MMDA.

Patuloy din ang ginagawang monitoring at koordinasyon ng  ahensiya sa iba pang government agencies.

Tags: ,