4 na sugatan matapos masangkot sa away sa Naga City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 2447

Apat na lalaki ang sugatan matapos masangkot sa away ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team sa Mabolo, Naga City noong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Jeric Senosi, isa sa mga sugatan, nagkakasiyahan sila ng kaniyang kaibigan sa tapat ng isang tindahan ng biglang dumating ang grupo ni Dandy delos Angeles at pinukpok ng bote sa ulo ang kaibigan niya.

Dito na nagsimulang magrambulan ang dalawang grupo. Nagtuturuan naman ang mga ito kung sino ang nagsimula ng away.

Matapos malapatan ng UNTV News and Rescue team ng paunang lunas ang mga gasgas at bukol na tinamo ng apat sa ibat-ibang ng bahagi ng katawan ay tumanggi na ang mga ito na magpadala sa ospital.

 

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,