3rd seed Wawrinka, tinalo si Paire sa 2nd round; Thiem at Raonic, umabante na sa third round

by Radyo La Verdad | May 18, 2017 (Thursday) | 809

3rd seed Wawrinka(REUTERS)

Pinadapa ni Stan Wawrinka ang determinadong si Benoit Paire sa second round Italy Open.

Kinailangan ni number three seed Wawrinka ang talong sets 6-3,1-6,6-3 bago nadispatsa si Paire.

Si American John Isner ang haharapin ni Wawrinka sa third round.

Samantala, namayani si number eight seed Dominic Thiem ng Austria sa Urugunayan na si Pablo Cuevas 7-6 6-4.

Si American Sam Querrey ang kalaban si Thiem sa third round.

Tiniklop ni number five seed Canadian Milos Raonic ang German na si Tommy Haas 6-4 6-3 para isaayos laban niya kay Tomas Berdych sa susunod na round.

Tags: