3rd Wish Music Awards, nakatuon sa pagkilala sa husay ng OPM Artists sa ibang genre

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 1926

Ilang oras na lamang ay masasaksihan na natin ang biggest musical event ngayon sa bansa, ang Wish Music Awards. Tiyak na magiging kaabang-abang ang awards night ngayong taon kung saan muling matitipon ang malalaking pangalan sa music industry.

Muling ipagdiriwang ang galing ng talentong Pinoy sa ikatlong Wish Music Awards mamayang gabi na may temang “Taking Filipino music across the globe”.

Bukod sa mga mananalo sa bawat kategorya, inaabangan din ang performances ng mga de-kalibreng artist sa bansa.

Kabilang sa mga ito sina Jett Pangan, Arnel Pineda, Nina, Morissette, Kz Tandingan, Jay R, Kris Lawrence, Michael Pangilinan, Tj Monterde, Gloc-9, Abra, Inigo Pascual, Sassa, Sam Mangubat, Clara Benin, Keiko Necesario, Quest, Zsaris at Mela.

Mula pa noong isang linggo ay nagsimula nang mag-ensayo ang mga ito upang mahandugan ng exceptional performances ang music fans.

Kasama rin sa performers ang WISHful 20 ng online singing competition ng WISH FM, ang WISHcovery.

Samantala, sa taong ito, magkakaloob ng kabuuang 2.25 million pesos ang WISH FM sa mananalong artists at kanilang napiling benefeciaries.

Sa nakaraang dalawang taon ay nakapagkaloob na ng 2.75 million pesos cash prize ang Wish Music Awards.

Ang grand event ay isasagawa mamayang alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,