METRO MANILA, Philippines – Muling magsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC. Ang 3rd Quarter Earthquake Drill ay gagawin mamayang alas 2:00 ng hapon.
Sa pagkakataong ito, ang Vigan City sa Ilocos Sur ang magsisilbing national pilot area.
Kaya naman nanawagan ang NDRRMC sa publiko na makiisa sa pag-duck, cover at hold. Paalala ng NDRRMC na huwag biruin ang mga ganitong paghahanda dahil hindi natin nalalaman kung kailan darating ang isang sakuna.