3rd motion for reconsideration ni dating PMA 1st class Aldrin Cudia, tinanggihan Korte Suprema

by Radyo La Verdad | November 17, 2015 (Tuesday) | 1727

CUDIA
Tinanggihan sa huling pagkakataon ng Korte Suprema ang ikatlong motion for reconsideration ni dating First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia kaugnay ng kaniyang dismissal sa Philippine Military Academy.

Sa desisyong inilabas ng Korte Suprema, denied with finality ang MR ng kampo ni Cudia at kinukunsidera nang closed at terminated ang kaniyang inihaing kaso sa Korte Suprema.

Pangatlong beses na humiling ang kampo ni Cudia sa pamamagitan ng ina nito na irekunsidera ng korte ang una nitong desisyon na pagtibayin ang pagkakadismiss ni Cudia sa PMA at i-release ang kaniyang academic documents.

Subalit, tinanggihan ang petisyon nito noong April 2015. (Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,