3K km ng farm-to-market road, naitayo ng DA-BAFE mula 2016

by Radyo La Verdad | November 25, 2021 (Thursday) | 102

METRO MANILA – Nakapagpundar na ng 2, 897 km ng Farm-to-Market Road (FMR) ang Department of Agriculture’s Bureau of Agricultural Fisheries Engineering (DA-BAFE) simula noong 2016 na kung saan umabot sa P29.32-B ang kabuuang halaga.

Sa 20 taon, pumalo naman sa 49,042 km na nagkakahalagang P146-B halaga ang mga naipatayo ayon sa datos ng ahensya.

Nakasaad ang FMR projects sa Republic Act No. 8435 o ang Agriculture and Fishery Modernization Act of 1997.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: