370-M pisong halaga ng military assistance, ipinagkaloob ng China sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | June 29, 2017 (Thursday) | 3033


Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turn over ceremony ng mga armas na ibinigay ng China sa sandatahang lakas ng Pilipinas kahapon sa Clark Air base Pampanga.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, urgent assistance umano ito para sa kampanya ng bansa kontra terorismo.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na armas ng China ang 3,090 snipper, authomatic rifle at high precision rifles at 6 million piraso ng mga bala.

5 milyong piso rin na cash donation ang ipagkakaloob ng China para sa pamilya ng mga sundalong nasawi at nasugatan sa bakbakan sa Marawi City.

Bukas din ang China sa posibilidad na magkaroon ng joint military exercises at sa pagtulong na mapaunlad ang impastraktura at masugpo ang kahirapan sa bansa na isang dahilan umano ng paglitaw ng local terrorist.

Ang isang bahagi ng mga bagong armas ay ipapadala sa mindanao upang makatulong sa pagsugpo sa mahigit isang buwan ng bakbakan kontra Maute group.

Nagpasalamat naman si pangulong Duterte sa tulong ng China.

(Bryan Lacanlale/UNTV News Reporter)

Tags: , ,