Nagbitiw sa pwesto ang tatlong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng utos mula sa Malacañang.
Sa isang pahayag ng DSWD, epektibo noong ika-14 ng Nobyembre ang pagbaba sa pwesto nina dating DSWD Usec. for Protective Programs Mae Fe Templa, Usec. for Promotive Programs Maria Lourdes Turlade-Jarabe, gayundin Si Usec. for Disaster Response Management Group Hope Hervilla.
Ayon naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay upang bigyang-daan ang pagkakaroon ng sariling team ng bagong Social Welfare Secretary Rolando Bautista.
Si Bautista ay dating Army chief.
Itinanggi naman ng Malacañang na dahil left-leaning ang mga naturang opisyal kaya pinababa sa pwesto.
Tags: DSWD, Malacañang, Social Welfare Secretary Rolando Bautista
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com