3 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 5189

Sugatan at nakahandusay pa sa kalsada ng datnan ng UNTV News and Rescue at iba pang rescue teams ang tatlong lalaking ito matapos mabanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City paado alas onse kagabi.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Mon Zavier Isman, bigla siyang binangga sa likod ng kasunod na motor.

Sa lakas ng pagbangga ay tumilapon mula sa minamanehong sasakyan si Isman. Hindi naman makapagsalita ang mga sakay ng isang motorsiklo dahil sa tindi ng tinamong pinsala.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue at iba pang rescue teams ang mga pinsala sa katawan ng mga biktima.

Ang UNTV News and Rescue ang naghatid kay Isman sa Zamboanga City Medical Center habang sa ibang pagamutan naman dinala ang dalawang biktima.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung sino ang may pananagutan sa insidente.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,