3 sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 12, 2016 (Monday) | 1127

SHERWIN_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang tatlong sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa National Highway ng Barangay Nueva, San Pedro, Laguna pasado alas sais kagabi.

Nagtamo ng gasgas sa mukha, braso at paa ang driver ng motorsiklo na si Marvin Almadia habang sugat naman sa dalawang palad ang tinamo ng angkas nito na si Kenjie Geronimo.

Ang batang si Boninay na nabangga ng motorsiklo nagtamo rin ng sugat sa kaniyang kaliwang paa.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima.

Ayon sa driver ng motorsiklo nawalan siya ng kontrol sa kaniyang sasakyan matapos biglang tumawid sa kalsada ang mga batang riles kabilang na si Boninay.

Matapos bigyan ng first aid ng grupo ang mga biktima ay tumanggi ng magpadala ang mga ito sa ospital.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,