3 patay sa landslide sa Naga City, Cebu ngayong umaga

by Radyo La Verdad | September 20, 2018 (Thursday) | 1958

Tatlo ang patay sa landslide sa Barangay Tinaan sa Naga City sa Cebu kaninang ala sais ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Roderic Ylan Gonzales ng Naga police, gumuho ang bahagi ng bundok sa Sitio, Sundulan dahil sa mga pag-ulan.

Kinilala ang mga biktima na sina Beatriz Hope Echavez, apat na taong gulang; Olivia Maratas, 63 taong gulang at isang Rose Ann Lubiano.

Sa inisyal na ulat, nasa dalawampung bahay ang sinira ng landslide.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang search and rescue operations para sa mga residenteng na-trap sa mga bahay.

Magkatuwang na rumesponde ang Disaster Risk Reduction and Management Office ng lungsod at probinsya ng Cebu, at maging ang Bureau of Fire Protection Region 7 at emergency responders ng Mandaue City, Cebu.

 

Tags: , ,