3 panibagong reklamong kriminal kaugnay ng Dengvaxia controversy, inihain sa DOJ

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 8313

Tatlong bagong criminal complaints ang inihain sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersiya sa Dengvaxia.

Isinampa ang mga reklamo ng mga magulang ng mga batang sina Kristine De Guzman, Ericko Llabres at Clarissa Alcantara na iniuugnay din ang pagkamatay sa natanggap na bakuna kontra dengue.

Nakaranas umano ng pananakit ng ulo, pamumutla, pagtatae at pananakit ng tiyan ang mga biktima.

Batay sa pagsusuri ng forensic team ng Public Attorney’s Office (PAO), pare-parehong pattern ang nakita sa tatlo tulad ng pagdurugo ng utak kasabay ng pamamaga at paglaki ng internal organs.

Sa kabuuan, labinlimang reklamo na ang naisampa sa DOJ kaugnay ng Dengvaxia controversy.

 

 

Tags: , ,