3 hinihinalang holdaper sa isang bus, nahuli ng mga otoridad sa Pasay city

by Radyo La Verdad | September 22, 2015 (Tuesday) | 1604

REYNANTE_HOLDAPER
Arestado ang tatlong hinihinalang holdaper sa isang pampasaherong bus na biyaheng Baclaran –SM Fairview sa bahagi ng south bound lane – Edsa Malibay sa Pasay city pasado ala una ng madaling araw.

Kinilala ang mga ito na sina Danilo Rosales, Cheater Gines at Jay Martinna nagpanggap na mga pasahero.

Ayon sa mga otoridad ng PCP-4 Makati, rumesponde ang mga pulis nang makatanggap sila ng tawag mula sa MMDA office na nakahuli sa mga suspek.

Ayon sa MMDA official, ilang pasahero ng bus ang nakababa at nagsumbong sa nangyaring holdap.

Agad namang hinarang ng MMDA ang bus at inutusan ang driver na isara ang pintuan upang hindi makababa ang mga suspek.

Agad namang itinuturo ng mga pasahero sa MMDA official ang mga suspek na nagpapalit pa ng mga damit sa loob.

Pagsapit sa kanto ng Evangelista ay dumating ang mga pulis at dinakip ang mga suspek.

Narekober sa mga ito ang mga ninakaw na gamit ng mga pasahero gaya ng mga bag, wallet at mga damit.

Hinihinalang miyembro ng Oslo gang ang mga nahuling suspek kung saan modus nito ang ipitin sa bus ang target na biktima at pasimpleng kukuning ang mahahalagang gamit.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga ito sa pcp station-4 ng makati habang inihahanda ang mga kasong isinampa ng nasa mahigit sampung complainant.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,