3 hawksbill sea turtles na nakumpiska sa mga illegal pet owners, pinakawalan na sa Boracay

by Radyo La Verdad | May 3, 2019 (Friday) | 4546
Photo from DENR Western Visayas

Boracay Island, Philippines – Matagumpay na naibalik sa dagat ang 3 hawksbill sea turtles noong Lunes, May 1 , 2019 matapos makumpiska ang mga ito sa mga illegal owers sa Puka Beach, Yapak, Boracay Island. Itinaon ito sa pagdiriwang ng Sustainability Week sa Boracay at Month of the Ocean 2019.

Pinangunahan ang selebrasyon nina Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Crisanta Marlene P. Rodriguez, DENR 6 Regional Executive Director Francisco “Toto” E. Milla, Jr. kasama sina Ms. Antoinette Taus and Miss Scuba Philippines 2018 Noelle Fuentes Uy-Tuazon.

Ang 2 pawikan ay nakumpiska sa mga illegal pet owners noong August 2016 at ang isa naman ay noong March 2018. Agad naman itong tinurn over sa Boracay Oceanarium at Crown Regency Resort & Convention Center na aktibong nangangalaga  sa mga endangered marine wildlife sa buong bansa.

Ang nasabing Ocean Month ngayon ay may temang “Free the Sea from Marine Debris.” Layunin ng selebrasyon na maipaunawa sa publiko kung paano nakakarating at nakakaapekto sa mga buhay ng lamang dagat ang mga plastic na basura ng tao.

Tags: ,